Saturday, August 30, 2014

Laban Pilipinas

Mamaya lamang ay magsisimula na ang pinakamalaking kampanya ng ating Pilipinas men's basketball team sa 2014 FIBA World Cup. Bagamat tanggap na ng sambayanan na halos saling pusa lang tayo sa torneyo at makikigulo lang sa unang bahagi ng kompetisyon, dapat natin tandaan na sa basketball, walang imposible. Ung mga paborito at dehado, minsan, nagkakabaligtaran ng nilalarong posisyon. Minsan, ung dehado, nakakanakaw. Nakakabulag. Sa basketball, ang sarap mangarap. Ang sakit matalo, pero ang sarap mangarap.

Jimmy Alapag. LA Tenorio. Paul Lee. Jayson Castro. Gary David. Jeffrei Chan. Gabe Norwood. Marc Pingris. Ranidel de Ocampo. Japeth Aguilar. Junemar Fajardo. Andray Blatche. Chot Reyes.

Larry Fonacier, Marcus Douthit at ang mga iba pang naging bahagi ng kampanyang ito.


Hindi nakaukit sa bato na muling makakabalik ang Pilipinas sa susunod na FIBA World Cup. Hindi tayo nakakasiguro na aabot tayo sa Olympics para makipagsabayan sa mga mandirigma ng ibang bayan.

Pero yun ang kasarapan ng pagiging manlalaro, tagahanga at Pilipino.

Suntok sa buwan.

Ilang laro kaya ang maipapanalo ng ating koponan? Ilang talo kaya ang ating mapait na malalasap?

Gaano kataas ba ang iyong pangarap?

#LabanPilipinas

No comments:

Post a Comment

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0