Larong mayaman? Basta laro lang. (Photo courtesy of Sports5) |
Ganyan ang takbo ng San Miguel Beermen ngayon. Noon, nananalo sila (sa simula) dahil sa likas na galing at talento lang ng mga manlalaro nila. Ngayon, iba na. Hindi na sila nag kakanya kanya, hindi nagdadamutan o nagtatampuhan sa loob ng court. Kung sino lamang, diskarte. Kung sino ang mainit, doon tayo. Walang pa-MVP. Kung gusto mo magpaka star, magpaka star ka sa loob lang ng sistemang tinatakbo ng Coach. Yun nga pala isa pang malaki, iisa lang ung nasusunod ngayon sa bench, si Coach Leo Austria.
Yung dalawang PBA Most Valuable Player nila hindi na nag aagawan ng bola. Hindi nagpapasikatan. Hindi namimilit. Yung dalawang Fil-Am nila na sumikat noon sa unang SMART Gilas Pilipinas, walang iniinda. Wala ding drama. Laro lang. Silang apat ung mga tanggero, tapos lahat masayang nag iinuman at nagpapasahan. Kung anong shot na binigay, inom. Walang tanong tanong.
Kung titingnan mo, si Arwind Santos (16 ppg, 9 rpg), Junemar Fajardo (15 ppg, 13 rpg), Chris Lutz (10 ppg, 4 rpg, 2 apg) at Marcio Lassiter (12 ppg 5 rpg 2apg) ang mga nangunguna sa pag atake tapos kung san man may kulang, pasok sina Ronald Tubid at Sol Mercado para tumulong. Si Chris Ross sa depensa. Tapos ung iba, kung ano ang kelangan para manalo, ginagawa-- una dyan si Doug Kramer na marahil e ang bagong Ricky Calimag ng panahon na ito (walang special, basta traditional power forward/ center na may shooting at mautak maglaro ng team basketball).
Nakakatuwang panooring ang Beermen ngayon dahil kung tutuusin mo, bihisan mo lang ng PILIPINAS ung uniporme ng bawat isa sa mga "main men" nila, e papasa na sila sa kahit anong torneyo. Ganoon sila kagaling. Ganoon sila kainis panoorin nung huling isa o dalawang taon na pinutakte tayo ng kung anong "BAGYO" mula sa kanilang kampo.
Pero baka naman nasanay lang tayo noon sa bilis ng pagtugma ng kalibre nina Danny Ildefonso, Danny Seigle, Dorian Pena, Dondon Hontiveros at Olsen Racela. Baka naman mali tayo at ang bilis nating hinusgahan ang koponan na ngayon e tumatayong 4-1 at nadaig lamang ng umaaribang Alaska Aces?
Ang sarap maglaro ng basketbol, minsan sa ibaba ka, minsan sa taas. Sana magtuloy tuloy na para sa Beermen at sa kanilang mga fans.
No comments:
Post a Comment
Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.