Monday, June 1, 2015

Dear Beau

(Photo courtesy of Sports5.ph)
Idol, kamusta ka na?

Sana mabuti ang kalagayan mo matapos yung matinding bugbugan nung nakaraang PBA Commissioner's Cup Finals. May dinadaing ka ba na injury? Nagiba kasi yung laro mo matapos yung Ginebra SMASH game. Parang lumugar ka lang bigla ulit, nawala yung idol namin. Papitik pitik, pasundot sundot, pero halos hindi naramdaman. Sa Finals? Habang naghahari yung pagkalaki laking import ng TNT at minamama yung mga kakampi mo, ikaw yung inaasahan ng Bayan ng RoS na reresbak para sa amin.

Pero asaan ka ba nun?


Matagal na kitang idol, hindi dahil sa pagkabarumbado mo, pero dahil sa skillset mo: malaki, mataba, pero mabilis ang paa at may utak maglaro. Hindi puro bangga, hindi puro kagaguhan lang. Magulang oo, madumi na tipong gustong manakit ng kapwa? Minsan lang.

Naalala ko ung PCU ka, kayo ni Jayson Castro at ni Gabby Espinas. Di ka pinapansin noon, aparador ka lang kumbaga. Si Espinas and superstar, si Castro ung sidekick na pausbong pa lang. Pero nung umalis na si Espinas, kayo na ni Castro nagdala. Yung namintis mo sana na game at championship winner-- wala ka pang gaanong tira sa labas noon. Hindi ka namin sinisi. Yun ang tira na binigay ng depensa, ganun lang talaga.

Sa PBA sinundan ko career mo. Sa Purefoods na hindi tugma sa stilo mo yung opensa. Sa Burger King saglit. Tapos sa Meralco na mismong si Coach Ryan Gregorio yung nagsabi daw na walang lugar sa team niya yung pagka pisikal mo.

Katangahan yun, para sa akin. Para sabihin niya na walang lugar yung pisikalan sa PBA.

Sa Rain or Shine, doon ka nagpakilala at nakilala. Enforcer na may utak. Hindi ung Wilmer Ong lang na foul lang ng foul. Pasa, ikot ng bola, screen, tira ng tres pag libre. Ibang klase. Kahit career 7 ppg and 5 rpg lang, sige, tama lang yung max contract na binigay sayo ng RoS dahil sa mga "intangibles" na binibigay mo.

Pero nitong mga huling laro, mula last conference matapos ung Ginebra SMASH?

Sino ka at asan na si Big Beau?

Ngayon, puro kagulangan na lang ginagawa mo. Hindi na nga basketball plays e. Ipit braso na lang imbis na box out. Ipit kamay hanggang dalhin yung kalaban sa kung saan sa court na hindi naman kailangan.

Nakakatulong ka pa ba sa RoS sa ginagawa mo?

Hindi ka na nga pumupuntos, rumerebound o dumedepensa ng maayos, nanggugulo ka pa.

Umaarte ka na din ngayon. Pa-flop flop. Yung siko/ kamay kuno ni Romeo sa Dubai. Yung sa inyo ni McMorrow na patumbling tumbling ka pa e ikaw naman ang nauna at mas mapwersa.

Ano ka, si Abueva?

Okay lang sana kung double-double din nilalatag mo, parang Abueva. Pero kung yung kulit lang, e, hindi naman po natin kelangan yan.

Gilas ka na idol, iba na tayo ngayon. Hindi ko sinasabi na tigilan mo yung pamimisikal-- bagkus, IBALIK mo lang yung laro mo dati. Mautak. Magulang. Tumutulong sa team imbis na nanggugulo lang o papa-cute. Napipikon ka na ba ngayon sa mga dating inaasar mo lang? Ano bang nagbago idol?

Kung iisipin mo din, walang ibang PBA team ang gagamit sayo ng maayos. Lahat uunahin yung mga atleta na big man, ung rumerebound at dumedepensa. Yung kayang tumakbo at sumabay. Si Coach Yeng lang talaga magbibigay sayo ng break na yan. Sayo, at kay Quinahan.

Sila Ronnie Matias at Larry Rodriguez, mauutak din yun gaya mo. Mas magaling pa nga one-on-one kung tuusin. Pero asaan na ba sila ngayon?

Sana focus na lang muna tayo sa basketball. Wag na muna yung flop. Elbow drop sa kalaban kung kailangan, pero kung hindi, pwede naman brasuhin na lang o kaya simpleng hip/ body check gaya ng dati.

Umaasa,

Your #1 fan from Muscat, Oman.

1 comment:

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0