Hindi ko na kayang itago yung pagkadismaya ko sa mga paborito nating koponan at manlalaro sa PBA kaya kesa pagandahin ko pa sa wikang Ingles, sa sariling wika na lang natin isulat ang lahat. Para mas maintindihan ninyo ang pagkainis naming mga Pilipino. At para malaman na lang din ng lahat na may pakailam din naman po kami sa Gilas Pilipinas, sa estatura ng basketball sa bansa at kung paano tayo makaka angat muli sa mundo-- o kahit papaano, sa Asya man lang.
Eto ang alam ko: hindi tayo makaaangat, o mas liliit ang ating pag-asa kung hindi natin ipadadala yung mga nararapat. Kung hindi natin ipadadala yung pasok sa sistema. Kung hindi natin padadala yung naturingan pinaka magaling sa bansa.
Oo, hindi All Star team kundi National team ang dapat nating buoin. Pero kingina naman, andyan na e. Nanalo na tayo noon. Silver. Pilak. Ang sarap pare. Bakit pa tayo bababa ulit? Bakit kailangan basagin pa natin ulit yung andyan na, sasaksakan na lang natin ng mas magagandang mga piyesa?
Hindi na naman pwede magpahiram. O sige, pwede, pero iisa lang. Naka-sama pa ata. Dati, San Miguel lang ang may ganoong pautot. Ngayon, sumali na din yung Rain or Shine. Alaska din pero nagiba ata ng timpla, pwede ng dalawa.
Sa naulat, eto yung mga imbitado na at pawang kumpirmado mag ensayo: Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Matt Rosser, Larry Fonacier, Cliff Hodge, Kelly Williams, Jared Dillinger at Gary David. Yung mga may konting pabebe pa, sila Terrence Romeo, Dondon Hontiveros, Sonny Thoss at Beau Belga.
Asaan yung Marcio Lassiter? Yung L.A. Tenorio daw pinayagan. Si Junemar Fajardo injured daw. Si Greg Slaughter wag na yun, bagal nun. Si Calvin Abueva? James Yap? Si Chris Lutz? Alex Cabagnot? Asaan yung mga superstars? Paul Lee? Gabe Norwood? Jeff Chan?
Ano to, last minute na naman? Kelangan binyagan si bagong Kume Chito Narvasa, at siya naman magmakaawa sa mga teams na baka pwedeng unahin ang Gilas?
Asaan na yung #Puso natin? Bakit pahirapan na lang lagi kung magpapahiram para sa bayan? Hindi naman ganito noon a? Yung hinawakan ni Yeng Guiao na Powerade Pilipinas, samut sari din naman sila noon a. Wala naman issue. Kasi Team MVP ang sponsor? Kingina naman. Bakit, pag ka Team SMC ang sponsor, sigurado kayo na hindi din sila mamimirata? Pera pera lang din naman iyan di ba?
#Puso hindi #Bulsa
#Bayan hindi #Sarili
No comments:
Post a Comment
Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.