Wednesday, June 29, 2016

Di ka nagkulang.

Still The Beast
(Photo credit: cnnphilippines.com)
Hindi niyo ako masisisi kung isa ako sa nalungkot sa balitang hindi nasali si Calvin Abueva sa Gilas Pilipinas 12 na lalahok sa FIBA Olympic Qualifiers nitong Hulyo.

Matagal na akong fan ni Abueva, mula nung nag ingay siya sa NCAA bilang rebounder/ energy guy para sa San Sebastian Stags. Hindi siya ang bida noon, si Jimbo Aquino pa. Isang linggo inaya ako nung mga dati kong katrabaho na Team B ng Stags parehas nung nag aaral pa sila para maglaro sa skwela nila. Sabi ko, wala akong laro kundi rumebound, depensa, at paminsan minsang jumpshot. Sabi nila, ayos na yun. Tumira na lang ako sa labas, sila naman yung sa ilalim talaga.

Sempre, bilang ang laro ko talaga e wing noong high school (nasira na laro ko noong college alak, babae, aral-- mostly babae), game ako. So sumama ako. Di nila sinabi na mga Team B din pala kalaro nila. Na yung mga alumni magdadatingan. So nakilaro ako ng isang game full court. Ganda ng court sa Baste ung sa taas ng isang building doon. Maya maya, 2nd game na, may dumating, kasing laki ko lang pero batak. Si Abueva daw. E hindi pa ko nanonood ng NC noon (sino ba nanonood at that time), siguro mga tatlong baba lang sa court, nag pa sub out na ako.
Hindi ako ganun kagaling para umepal sa laro ng mga tunay na magagaling. Tsaka kahit hindi ko siya kilala, kahit ung mga katrabaho ko biglang umilag lumaban sa rebound kasi yung siko ni Abueva lumilipad na. Kahit pick-up game lang ng mga out of shape halos.

Sabi ko lang, halimaw yun brad a. Tapos dumating na si Jimbo. E idol ko yun. So si Jimbo na pinanood ko sa kabilang court. Pero pinanonood ko yung Abueva. Yung motor. Grabe. Parang yung pick-up game sa subdivision niyo, tapos kayo mga village boys na may isang import-- yung mala construction worker na solar boy. Rebound takbo score lahat kaya. Pero si Jimbo kasi, swabe mag tres amputa kaya doon ako nanood. 6"3 o 6"4 ata si Jimbo, sabi ko noon "James Yap in the making to."

Mabalik tayo kay Abueva at sa Gilas.

Sabi nila, sabi niya, "may kulang" pa daw.

Kulang sa height? Kulang sa disiplina? Kulang sa... palakasan?

Siguro. All of the above. Ewan naten. Sabi ng iba, logic daw. Maliit si Abueva na power forward. Sabi ko naman, kaya ni Abueva mag guard. Slasher-type. Kaya niya mag create.

Wala man siyang sure ball na tres, full speed si Abueva pag binaba bola papuntang ring isa sa tatlo lang mangyayare: lay-up, and 1 o matinding kick out pass kasama na yung pambalya doon sa binangga niya sa loob na defender.

Hindi ba ganoon ang takbo ng dribble drive? Si Sol Mercado noon, ganoon lang ang ginawa, ni hindi nga kasing bangis ni Abueva mag finish si ring yon pag binangga.

Yung huling taon ni Abueva sa NCAA, MVP dapat yon. Kaso nag pa cute may flagrant na naitawag. Pero halos triple double ang average niya nung season na yun. 20 points. 15 rebounds. 10 assists. Normal sa kanya yon.

Kaya yung sinasabi nila na "maliit si Abueva..."

... 'wag ako. 'Wag kami.

Sa international game, sa FIBA Asia, doon daw nila unang nakita kung gaano kaliit si Abueva.

Siguro oo, kung ipipilit mo siya sa power forward.

Pero ilagay mo siya sa dos o tres, may laban pa din tayo. Lalaban pa din yan. Hindi yan tatanga lang na mag aabang ng bola. Gagawa ng paraan yan. Didiskarte yan. Makikipagpalitan yan ng mukha sa kapwa at kalaban bahala na si Batman basta maipanalo lang ang koponan niya.

Pinanood ko ng ilang ulit yung mga laro ng FIBA Asia na yon. At oo, maliit si Abueva. Manipis pa nga. Parang 2 guard. Parang point guard. Pero alam mo kung ano din nakita ko? Andoon siya sa ilalim, nakiki box out. Hindi siya yung naka rebound, pero sa box out niya, nakuha ni Blatche yung bola. Nakuha ng kakampi niya. Basta nakielam siya.

Ilang play din nakita ko yung umaatake si Abueva sa ilalim, pag natuyo yung opensa natin. Pag nag stall at di maka diskarte si Blatche/ Castro/ Romeo, si Abueva, sasaksak sa ilalim tapos mambabangga talaga ng kalaban. And 1 o kaya foul.

Basta may nangyayare.

Kung disiplina, siguro doon tayo magkakasundo. Doon tayo makakapagkita sa mata na sige, baka nga hindi si Abueva ang tipo para sa Gilas.

Kadalasan kasi si Abueva dumidiskarte ng pang sarili. Hindi naman selfish, pero hindi lang ma control ng coach. Kasi yun nga, may run ka na opensa, pero si Abueva maghahanap na ng paraan para maka pwesto sa ilalim kung hindi sa kanya yung play. Para may rebound. Parang Plan B o C D hanggang XYZ. Alam yun ng mga nakaka intindi ng basketball. May mga player talaga na natural instinct ang umiiral. Doon nakikita yung genius. Yun nga lang, minsan, yun din yung nagiging sakit nila.

Disruptive. Chaotic. Kelangan ng mahabang lubid, pasensya para makita minsan yung reward.

Wala na tayong kelangan sabihin pa sa Gilas 12. Ayan na sila. Suporta na lang. Buhos na lang sana lahat ng kaya nila sa court. Wag yung magpapacute na lang at puro jumpshot pag talo na. Yun na lang siguro dasal natin.

Kay Abueva, hindi ka nagkulang idol. Hindi lang talaga gaya mo yung hinahanap nung coach.

Siguro maganda din ito, pwedeng umpisa din ng pagbabago ni The Beast. Pwede niya na aralin yung 2 position, gaya ng pag aaral niya ngayong season ng pagtitira ng tres (gumagaling siya lately, yung form niya gumaganda). Ball-handling. Lateral movement. Hindi puro pa-forward ang atake.

Pero kahit hindi niya idagdag yun sa laro niya, respeto pa din.

The Beast ka pa din.

Di ka nagkulang, idol.

1 comment:

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0