Saturday, March 4, 2017

Never say die

Ano na, Coach?
(Photo credit: Inquirer.net)
Kung may pagkakataon man na patunayan ng Barangay Ginebra San Miguel sa mga tiga hanga nila at maging sa sarili nila ang katagang "Never say die," eto na yun.

Isang talo na lang, tapos na ang lahat. Bubuhos ang beer. Perpetual Trophy para sa San Miguel Beermen, isa na namang malaking kwento ng tagumpay sa sinusulat pa lamang na biag ni 3x PBA MVP Junemar Fajardo.

Kailangan ng Ginebra manalo ng tatlong sunod upang magkampyon. Kinailangan nilang manalo ng dalawang sunod kontra ang Alaska Aces nitong PBA Philippine Cup quarterfinals. Kinailangan nilang bumawi matapos mahulog ng 0-2 kontra Star Hotshots sa semifinals. Ngayon, kailangan nilang bumangon muli, Never Say Die, para manalo ng 3-4.

Pero paano?


Patuloy na pinahihirapan ng Beermen si L.A. Tenorio, ang kapitan ng Ginebra sa loob ng court. Ang siyang nagbibigay lakas sa mga kakampi, at nagdadala ng opensa gaya ng pinakita niya kontra Hotshots. Hindi siya maka takas kay Chris Ross, at sa pag tagal ng serye ay napansin natin na ito ay tanggap na ni Coach Tim Cone. Decoy kung tuusin si Tenorio. Doon na siya sa gilid muna, patira tira pero hindi nagmamaniobra.

Ang problema, sa depensa ay patuloy din siyang sinusunog ni Ross. Yung player na kilala sa depensa niya, ngayon halos 10+ points ginagawa kada laro. May assists. May rebounds. Hindi mapigilan ni Tenorio. Hindi na mapigilan ng Ginebra.

Si Joe DeVance, ang captain ball, noong una ay nababantayan pa ng husto si Fajardo. Hindi man mapigilan, hindi naman umaalagwa ang MVP. Pero iba na ngayon ang kaso. Mas pumupukpok na si Fajardo, napipilitan na ang Ginebra dumoble, at siyang kickout o mabilis na ball reversal ng Beermen ang siyang pumapatay sa Ginebra kung hindi man kayanin ni Fajardo one-on-one. Sa opensa, maganda ung switch nila ni Aguilar sa opensa. Pinagpopostehan ni DeVance ang mas maliit na Santos, naka ilang puntos sila. Pero nag adjust agad ang Beermen at nagpalit si Fajardo at Santos. May double din onti. Hindi na nakaporma si DeVance.

Pito o walong player lang ang gamit ni Coach Leo Austria kontra sa halos 10 na pinaiikot ni Coach Tim. Sinubukan nilang maglaro ng malaki, maliit, mabilis, mabagal, pero lahat yun ay nasasagot ng Beermen. Minsan nakakapuwing, pero madalas, 1-3, nagagawan pa din ng paraan ng Beermen.

Ano pa ba ang pwedeng gawin ng Ginebra?

Maganda sana kung tanggapin na lang ni Tenorio ang hamon ni Ross at ng Beermen. Mag pick and roll/pop sila ni Aguilar (na hirap din kay Fajardo). Baka sakali na malibre si Tenorio. Baka sakali na maka ilang tira sa labas si Aguilar. Baka pwede din si DeVance, na nagsabi na bumubuti na ang kanyang paa.

Ito na lang siguro ang masasabi namin na huling baraha ni Coach Tim. Na pakawalan si Tenorio. Iba yung na-depensahan, iba din yung tinatanggap na lang yung depensa para sa ikabubuti ng iba. Pwede natin sabihin na pilit o desperado, pero ano pa ba pwedeng gawin ng Ginebra sa ngayon? Hindi naman pwede magsuot ng jersey si Justin Brownlee ng mas maaga, at hindi naman maglalaro si Greg Slaughter sa Linggo hindi ba?

O baka hanggang dito na lang muna sila.

No comments:

Post a Comment

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0