Friday, November 14, 2014

Iba ang may pinagsamahan

Larong mayaman?
Basta laro lang.
(Photo courtesy of Sports5)
Iba talaga yung kasama mo yung mga tropa mo, mga kuya at bunso, mga kakosang alam mo na lalaban kasama ka pagnagkagipitan o kaya pag gumawa ka ng kalokohan at nagkahulihan, e magsisinungaling para sayo kahit hindi mo senyasan. Alam ng mga manginginom yan. Ng tropa. Yun ung mga oras na nahuli ka ni misis gabi umuwi tapos tatanungin niya sempre si kumpareng kasing pulang kamatis at amoy chico mo pero susubukan kang ipagtanggol at ilusot para sa isa pang bagong umaga.

Ganyan ang takbo ng San Miguel Beermen ngayon. Noon, nananalo sila (sa simula) dahil sa likas na galing at talento lang ng mga manlalaro nila. Ngayon, iba na. Hindi na sila nag kakanya kanya, hindi nagdadamutan o nagtatampuhan sa loob ng court. Kung sino lamang, diskarte. Kung sino ang mainit, doon tayo. Walang pa-MVP. Kung gusto mo magpaka star, magpaka star ka sa loob lang ng sistemang tinatakbo ng Coach. Yun nga pala isa pang malaki, iisa lang ung nasusunod ngayon sa bench, si Coach Leo Austria.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0