Tuesday, January 13, 2015

Larong Pinoy

Patay kung patay basketball.
(Photo courtesy of Sports5)
Sa kasagsagan at kasikatan ng Alaska Aces ngayon dala ng kanilang kakaibang laro sa PBA Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beermen, marami ang nagsasabi na dapat isama si Calvin "The Beast" Abueva sa susunod na Gilas Pilipinas. Marami ang nagsasabi, at ipinaglalaban, na ang kanyang stilo-- na minsan ay parang barumbado sa mata ng iba,ay ang tunay na uri ng basketball sa Pilipinas at siyang dapat dalhin sa FIBA maging sa Asya o buong mundo kung papalarin.

Yung buong pusong lumalaban, hindi nag aalinlangan, hindi takot masaktan o matamaan, hindi iniisip yung susunod na kontrata, posibleng endorsements o kahit na ano pa. Yung naroroon sila bilang basketbolista, bilang manlalaro, para manalo at hindi para magpasikat.

Pero gagana ba talaga ang mga tulad ni Abueva sa FIBA? Ngayon pa lang, marami nagsasabi na mapapaaway ang Pilipinas. Na posible tayong mapahiya. Na "hindi basketball" ang laro natin mga Pilipino kung hindi "basket-brawl."
google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0