Patay kung patay basketball. (Photo courtesy of Sports5) |
Yung buong pusong lumalaban, hindi nag aalinlangan, hindi takot masaktan o matamaan, hindi iniisip yung susunod na kontrata, posibleng endorsements o kahit na ano pa. Yung naroroon sila bilang basketbolista, bilang manlalaro, para manalo at hindi para magpasikat.
Pero gagana ba talaga ang mga tulad ni Abueva sa FIBA? Ngayon pa lang, marami nagsasabi na mapapaaway ang Pilipinas. Na posible tayong mapahiya. Na "hindi basketball" ang laro natin mga Pilipino kung hindi "basket-brawl."
Kung titingnan mo kung sino ang nagsasabi nito, kadalasan e yung mga die hard NBA fans. O kaya laking America. Yung hindi sa Pilipinas lumaki, natuto at naglalaro ng basketball. Silang mga dayuhan kung tuusin na nagsasabi na mas angat ang laro ng Kanluran sa atin kasi napakagandang tingnan sa telebisyon. Formal. Gentleman's sport. Professional. Hard fouls? Ano yun?
Sila yung mga naniniwala na pag lamang na ng malaki ang team mo, hindi ka na dapat mag shoot pa kahit 20 seconds pa natitira. Mamigay ka na lang ng turnover. Nakakahiya naman sa talunan e.
Hindi natin sinasabi na dapat ung susunod na Gilas e mang away na lang. Ang hinahanap natin, yung pag drumive sa linya, e walang pakelam kung masasaktan ung defender niya kung harangan siya. Yung kung dadakdak, ke madaplisan mo ung binti niya o hindi, e idadakdak pa din tapos para di madapa kasi nga dinaplisan mo binti niya, e di sasabit na lang muna.
Kasi bawal sumabit ng matagal sa ring. Technical un. O delay of game. Tsaka ma hurt ung feelings ng kalaban sa kayabangan mo.
Tuwang tuwa tayo kay Abueva, kay Marc Pingris, pero andoon din yung nakararami na nagsasabi na ang gulang nila maglaro at posibleng maging kahihiyan ng bansa pag pinakawalan at hayaan natin sa international scene. Baka nga daw magsimula ng World War 3 pag isinama mo pa si Beau Belga.
Pero ano nga ba ang larong pinoy?
Fancy dribbling? Flash dunks? Three point shooting na splash suwabe?
Point guard na nag titimon habang nag iikot na parang nakatali ang mga kakampi?
O, rebound, takbo, drive, Bahala-na-si-Batman basketball?
Naghahanap tayo ng sentro, para makapantay sa iba. Iniba natin ung sistema, para ipasok ung sentro na yun at maging mas katulad ng ibang mga koponan sa mundo. Pero ano ba napala natin? Ung sentro ba nagdala sa atin nung huli? Yung mga imported guards at wings ba?
Hindi ba yung mga larong Pinoy din? Si Pingris? Si De Ocampo? Si Lee nung sa China? Sempre exception si Alapag, kasi larong Pinoy yun pero ung discipline at focus niya sa laro e ugaling nakukuha mo sa American athletes gaya nina Kobe Bryant, Michael Jordan, etc.
Naghahanap tayo ng mga players, para ipasok sa sistema ng Kanluran, imbis na patakbuhin ung sistema na angkop sa mga players natin. Nagawa ito ng matagumpay ni Chot Reyes. Pero nasira din sa FIBA World Cup dahil nasobrahan ang pag asa natin sa import.
Sana, unahin natin yun pagkuha sa mga players na hindi lang mukhang basketball player. Sana kunin natin yung larong Pinoy na buo ang loob. Aanhin mo ung sobrang galing, pero wala naman itlog at takot masaktan?
Sana, buksan natin ang isipan sa kung ano talaga ang Pilipinas basketball. Yun ang ipakilala natin sa mundo. Hindi ung lagi na lang natin sinusubukan mag bihis Kanluran at magmukhang payaso dahil sa kung ano anong kakulangan.
Matapang, palaban, buo ang loob.
Abueva? Oo. Pingris, Oo. Marami pa yan. Hindi lang pinapansin gaano sa takot na "maging kahihiyan" ng bansa.
No comments:
Post a Comment
Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.