Friday, October 7, 2016

Salamat Kots Yeng

Hanggang doon na lang pala.

2017 NLEX head coach
(Photo credit ABS CBN)
Nung huling conference, nung natapos yung nine-straight playoffs appearances ng Rain or Shine, bilang isang fan parang may mali kaming naramdaman. Kaka champion lang ng team namin noong PBA Commissioner's Cup, partida binuhat pa ng mga local yung import, pero bakit ganun, bakit ang asa balita e hindi pa nagsisipirmahan ng mga kontrata yung players?

Pati pala yung si Kots Yeng Guiao, hindi din pumirma.

Pumirma, pero para tapusin lang yung season. Hindi para mag extend ng isa o dalawa o tatlong taon. Lahat sila na core, sa pagkakaalam namin: Paul Lee, Gabe Norwood, Jericho Cruz, Beau Belga at JayR Quinahan. Damay din ata si Jeff Chan. Parang may kakaiba. Siguro alam na nung mga players, alam na din siguro ni Kots. Hanggang doon na lang yung samahan nila, at hanggang doon na lang yung kwento niya sa RoS na kanyang itinaguyod.
google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0