2017 NLEX head coach (Photo credit ABS CBN) |
Pati pala yung si Kots Yeng Guiao, hindi din pumirma.
Pumirma, pero para tapusin lang yung season. Hindi para mag extend ng isa o dalawa o tatlong taon. Lahat sila na core, sa pagkakaalam namin: Paul Lee, Gabe Norwood, Jericho Cruz, Beau Belga at JayR Quinahan. Damay din ata si Jeff Chan. Parang may kakaiba. Siguro alam na nung mga players, alam na din siguro ni Kots. Hanggang doon na lang yung samahan nila, at hanggang doon na lang yung kwento niya sa RoS na kanyang itinaguyod.
Bago pumasok si Kots sa RoS, para silang kung ano ang Blackwater at Mahindra ngayon: laro dito, laro doon, pero walang identity. Walang marka. Walang kagat sa masa. Kahit pa sabihin na yung star player nila noon, si Gabe Norwood, e naghari harian sa PBL bago umakyat sa PBA. Naalala ko pa si Gabe lang ata ang may TV commercial (Hapee) sa lahat ng PBL stars nung pag akyat niya.
Lume-LeBron.
Dumaan si Sol Mercado, pero wala pa din anghang. Pumasok si Kots Yeng, nag trade ng mga players, nagpasok ng mga "basagulero" at yun, nagsunod sunod na yung panalo ng RoS. Sinwerte sa draft, nakuha yung Paul Lee, tapos dahan dahan nabuo na yung koponan. Dalawang kampeonato kontra apat ba o tatlo na 2nd place. Kelan lang ba sumanib si Kots Yeng sa RoS? Anim na taon pa lang ata bilang namin, RoS fans kami. Anim na taon, lima doon contender na maituturing yung RoS. Darkhorse bale.
Etong huling taon ni Kots Yeng, nahubog niya ng husto yung Cruz pati na din rookies na sina Maverich Ahanmisi at Don Trollano. Larong beterano na halos yung tatlo, ang tatapang sa court. Si Raymond Almazan walang inaatrasan. Si Jewel Ponferada, reclamation project. Nabulaga ang lahat dahil nung mabigyan ng minutes, gumagawa pala ng 12 points 10 rebounds kung aasahan.
Pasintabi na lang kay Jeric Teng.
Sa NLEX, maganda yung mga piyesa na sasalubong kay Kots Yeng. Sabi nga namin noon, andoon yung piyesa, pang takbo, pero yung dating Coach nila, gusto naglalakad yung mga players. Kay Kots Yeng, panigurado tatakbo sila Kevin Alas, Garvo Lanete, Jonas Villanueva at Sean Anthony. Ang maganda, hindi namin matandaan kelan nagkaron ng dominanteng big man si Kots Yeng. Si Davonn Harp? Di naman siya pinaka malaki noon (malapad siguro). Ngayon, mayroon na siyang Asi Taulava na tila ba pinipigil yung oras sa antas ng laro niya.
Pwede ding, sumunod yung ibang RoS players sa NLEX di ba?
No comments:
Post a Comment
Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.