Enforcer ba kamo? Watch the "sipit." |
Hindi namin lubos na maisalaysay yung kagalakan namin nung napabalitang isasama sa Gilas Pilipinas tune-up si Rain or Shine 6"6 big man Beau Belga. Matagal na namin itong kinakampanya. Marami nagsasabing barubal at marumi maglaro si Belga, madalas ung mga fangirls/gays na ang mga iniidolo kasi ang tinatamaan ng mala-Brazo de Mercedez BENZ ni Belga.
Pero lingid sa kanilang kaalaman, si Belga ay marunong maglaro ng basketball. Sabi nila, ito daw ang pinakamalaking line-up ng Gilas. Siguro nga. Pero kung sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter lang din, aanhin mo ang height kung kulang pa sa diskarte (lalo na kung ung isa e allergic sa poste)?
Drop, outlet, chest at bounce passes. Alam. Paminsan, may blind-touch pass pa ngang pang gulag tong si Belga.
Sa poste, back-to-the-basket hindi pa natin masyado nakikita yan mula kay Belga. Sa Lithuania (at kung palarin, sa FIBA-Asia) hindi din naman gaano makakahingi yan dahil anjan naman si Marcus Douthit na syang primera option sa ilalim.
Sa labas, high post, pwede. May jumpshot si Belga. May tres pa nga.
At siguro, ung paborito namin. At kung bakit hindi kami natutuwa kay Aguilar kahit 6"9 pa yan na slam dunk artist, e yung simpleng kagat ng kagat se mga peke ni Belga. Hindi naman namin sya masisi, kahit ung Chinese point guard ng Shanghai Sharks nga napakagat sa peke ni Belga e.
Sa depensa, maiiwan si Belga kung ilalabas sya ng katapat niya. Pero kung sa ilalim lang, kahit mas malaki pa yan, mahihirapan yang atrasan si Belga ng basta basta. At kung makalusot man, anjan ung trademark Sonny Jaworski, Sr. hack na talagang maga-hanggang-bukas ang braso mo pag natamaan ka.
Pero ang pinaka gusto namin kay Belga, ay hindi lang ung pang sarili ang laro niya. Mahina siya rumebound, pero malakas kung bumox-out na importante din lalo na sa international competition na isang maling pwestuhan sa ilalim lang, paniguradong tatakbo na paatake ang kalaban.
Ung mga nginig-to-the-bones, tanggal-panga picks at screens-- matutuwa ng husto at ma-spoil si L.A. Tenorio, Jayson Castro, Gary David at Larry Fonacier jan. Biruin mo, hahanapin lang nila ung pick ni Belga para umalagwa sa kalaban, clear na agad ang daan pa-basket.
Siguro naman, ngayong banyaga ang makakatapat ni Belga, ma-i-cheer niyo na din sya ano Ginebra, San Mig Coffee fans?
go belga!
ReplyDelete