Parang kelan lang nung unang sumabak ang Barako Bull (Red Bull noon) sa PBA dala ang kakaibang kalibre ng basketball sa pangunguna ni ngayong Rain or Shine head coach Yeng Guiao. Matatapang, pisikal, agresibo at walang takot. Karamihan ng mga player nila hindi kilala at galing kung saan pero walang takot kung makipagsabayan sa mga superstar ng liga. Nauna sila Jimwell Torion, Junthy Valenzuela at Davonn Harp, sumunod ung era ni Enrico Villanueva.
Yun ung Barako Bull na gusto naming balik-balikan sa ilang taong pamamayagpag ng PBA. Hindi yung Barako Bull ngayon na walang bayag. Barako Bull na walang magawa tuwing magkakaroon ng magagaling na manlalaro kapag naglalambing na ang mga "Kuya."
Hindi naman kami tanga, alam naman namin ang kalakaran at naiintindihan ito.
Pero huwag naman sana bastusan.
Nung isang taon lang ang ganda ng kalagayan ng Barako Bull sa pagkuha kina Dylan Ababou at Allein Maliksi. Nagpakita ang dalawang UST Tigers ng kakaibang galing bilang panibagong 1-2 punch mistulang Vergel Meneses at Kenneth Duremdes nung dekada 90. Hindi nagtagal at nagtawag pansin ang Barako Bull, nabuhay ang mangilan-ngilan nilang taga hanga.
Hindi din nagtagal at nakuha nila ang interes ng mga "Kuya." Hilaw pa ang isang taon at napadala na kung saan yung dalawa, bumalik, pero umalis din. Ngayon, kung hindi lang nagkaroon ng mga kani kaniyang injury, halos matuturing ng "rotation players" yung dalawa-- yung isa, kumakatok na nga halos sa pagiging isang PBA superstar.
May mga ibang players pang nadagdag at nagpakitang gilas, ganun din ang naging kwento. Gusto niyo ng bata? Kol. Gusto niyo ng scorer? Kol. Kelangan niyo ng back up point guard? Meron din sila niyan.
Muli, naiintindihan natin ang kalakaran. Huwag na tayong mag lokohan at sabihing "pares" lang yung mga pagpapalit ng player. Si Maliksi na minsanan lang makahanap ng homegrown na ganun ang tikas at kalibre, pinamigay kapalit dalawang player na ni isang minuto hindi makakuha?
Ngayong pagdating ng 2013 PBA Draft, panibagong simula sana ang sasalubong sa Barako Bull. Tatlong 1st round pick, sulit para makabuo ng malupit na starting five kasama si big man Enrico Villanueva.
Lahat ng pick na yon, ayon sa bali-balita, e naka sanla na. Kulang na lang e ung mismong Draft Day para ma-ikasa na.
Ang mga kapalit?
Si Ababou na injured at mga role players na hindi mo maaring sabihing kasing bigat ng mga pwede sanang kuhain.
Denok Miranda, Mark Isip at Magi Sison. Point guard, power forward at sentro. Magagaling na manlalaro, pero pwede din sanang maging isang R.R. Garcia, Nico Salva at Justin Chua o Isaac Holstein (kung puwesto puwesto lang ang pag uusapan). Kung titingnan naman yung galing ng mga manlalaro na pwede pang kunin, mayroon pang Terrence Romeo, James Forrester at maging Carlo Lastimosa na lahat mas bata kaysa dun sa tatlong maaring (at mukhang) makuha ng Barako Bull sa binabalak nilang mga Draft Day trades.
May mga nagsasabi na naayon ito sa plano ng Barako Bull na isigurado na magsisi talo sila ngayong taon para sa 2014 PBA Draft. May ilan din nagsasabi na nagiipon na ng pera ang koponan dahil ibebenta na ang prangkisa sa mga interesadong pumasok sa liga.
Ang tanong lang talaga, may manood pa kaya sa Barako Bull?
ganun talaga, aprubado ni kume..
ReplyDeleteyung draft day trades, di na kailangan ng approval ni kume. yung ang dapat baguhin. dapat pag dead last ka o nasa last 2 teams ka bawal i trade ang draft pick. masyadong makapal ang mukha ng barako bull na yan, ang tanging pakunswelo lang ay global port (mainly) ang nakinabang, hindi deretsong SMC.
ReplyDeletefuck*ing SMC and Barako. Dapat mag tayo na lang sila ng sariling liga. sila sumisira sa PBA at KUME, wala kang ginagawa gago
ReplyDeleteNakaka walang gana naman talaga kasi. bilang isang matagal ng taga subaybay ng pba, ngayon lang ako nanakita ng ganyan. tama si jinno rufino, ibenta na lang sa iba ang prangkisa kaysa naman ganyan.
ReplyDelete