Thursday, July 24, 2014

Ang Angas ng Pilipinas

Hindi lang ito tungkol kay Paul Lee, na siyang nag hatid sa Pilipinas ng kauna unahang  medalya ng bansa sa FIBA Asia Cup na ginanap sa Wuhan, China kontra sa home team.

Tungkol ito kay head coach Chot Reyes at sa mga players na sina L.A. Tenorio, Kevin Alas, Garvo Lanete, Gary David, Jared Dillinger, Jay Washington, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Beau Belga, Junemar Fajardo at Marcus Douthit.

May mga pagkakataon na parang hindi naka angkla sa panalo ang koponang binansagan natin na Gilas Pilipinas. Minsan, parang naglolokohan lang sila. Minsan, parang wala ung kumpyansa at tiwala sa sarili. Minsan, parang payag sila na matalo na lang ng basta basta at isugal ang pangalan ng bansa.

Papunta naman na tayo ng Espanya, bakit pa nga ba magpapakahirap?

Pero doon tayo pinakitaan ng Gilas na ito. Huwag natin kalimutan na kalahati ng koponan e mga baguhan sa sistema na pinapatakbo ni Coach Chot. Na sina Lee at Belga ay galing lang sa masakit na pagkatalo sa PBA Finals nung unang araw ng laro sa China. Na marahil, ito na ang huling laro ni Douthit suot ang Pilipinas jersey. At ito na din ang pinakahihintay natin noon na mapasama si Dillinger at Washington sa Gilas.

Noong nakatapat natin ang Iran, ang daming nangyaring mali. Parang pinagmukha na naman tayong mga bata. Parang isang college team kontra high school. Minama ung mga players natin. Ung basketball nila, parang ang dali lang. Ikot bola, tira. Bato sa ilalim, pag wala, wag ipilit. One on one sa taas at labas, pag wala, wag ipilit. Ikot bola. Cut. Screen sa walang bola. Pasa. Shoot.

Satin? Halos duguin na sina Lee, Tenorio at kahit si Douthit sa ilalim sa pagsubok maka puntos pero pinatunayan ng Iran na malayo ang agwat natin sa kanila.

Kulang pa.

Tama.

Kulang pa. May iaaayos pa ang Gilas. Pero ung pinagmamalaki natin na Puso, ung tapang, ung angas ng Pilipino, lumabas.

Lumabas ito doon sa labas sa China na ang lalaki pero mga musmos pa kung tutuusin. Hindi tayo nagpa daig o antig sa mga iilang fans nila na hindi man lang nakapuno ng stadium nila. Ung kay Paul Lee sa huli, ung free throws na hindi kayang ibigay noon ni Taulava, tapos Racela, binigay ni Lee. Para sa bayan.

Sabi ng marami, dapat na daw palitan ung ilang myembro ng Gilas - Silver ng mga kasapi ng team na lumaban sa China. Si Lee ang nauuna sa listahan. Bakit nga naman hindi?

Salamat sa Gilas Pilipinas sa angas na pinakita nila sa China.

At kung hindi lang pinagyayakap nila Belga si Lee na nag jersey pop ng PILIPINAS matapos ung tatlong free throws, e baka gyera na tayo ngayon.

1 comment:

  1. idol ka talaga sir kilikilishot, masarap basahin ang blog mo.

    ReplyDelete

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0