Saturday, October 3, 2015

Salamat Gilas 3

#PUSO
(Photo credit to the owner)
Mga kababayan ko
Dapat lang malaman niyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti 
Mayroon naman kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang iyong minimithi 

- Magalona, F.

Tapos na ang FIBA Asia 2015 kung saan naiuwi ng ating Gilas 3 ang pilak habang ang host country na Tsina ang siyang nag uwi ng gintong medalya. Marami tayong pwedeng sabihin tungkol sa nasabing laro na katatapos lang, pero hindi tayo ganong klaseng basketball fans. Hindi tayo casual lang na biglang sumuporta sa koponan natin kasi nakapasok sa Finals. Manalo o matalo, lamyado o hindi, suporta pa din tayo. Kaya sa Tsina, saludo kami sa mga manlalaro niyo na para bang nagbabadya na kayo na muli ang magiging Asian basketball powerhouse sa susunod na mga taon.


Imbis na pag usapan pa natin yung laro, tingnan natin yung Gilas 3 natin mula ulo hanggang paa. Sa halos dalawang buwan lamang na pag eensayo, sa mga kabaklaan at drama ng ibang mga manlalaro at kani-kanilang mga propesyonal na koponan at maging sa kundisyon ng ating "pag-asa" na si Andray Blatche.

Lahat yun, nalagpasan natin.

Coach Tab Baldwin.

Jayson Castro. Gabe Norwood. Ranidel de Ocampo. Marc Pingris. Sonny Thoss. Terrence Romeo. Calvin Abueva.  Dondon Hontiveros. Asi Taulava. JC Intal. Matt Ganuelas Rosser. Andray Blatche. Troy Rosario. Gary David. Moala Tautuaa. Jimmy Alapag.

Silver medal sa Jones Cup kung saan wala si Blatche. Silver medal din sa FIBA Asia kung saan sumali na nga ang powerhouse na Tsina.

Si Hontiveros lang ang masasabi mong shooter. Si Thoss lang ang masasabi mong tunay na post player. Si Romeo na nakakabaliw panoorin pag hawak ang bola. Si Abueva na nakaka yamot na NO NO NO YASSS ang diskarte kadalasan. Si Taulava na lagpas na sa 40 anyos.

Ang layo ng narating natin, kabayan.

Imbis na mag luksa, bakit hindi ka na lang matuwa? Imbis na magisip o magbanggit ng pangalan ng mga players na tumanggi, bakit hindi muna natin pasalamatan yung mga andoon sa Tsina?

Ang sarap nilang panoorin. Ang pangit nila panoorin kadalasan. One on one basketball. Swertihan sa tres. Drive o turnover. Pero ang sarap nilang panoorin pag huma-hustle. Pag nagpupulot ng bola si Pingris. Pag nagmimistulang Agent of Chaos na naman si Abueva sa court.

Yung signature game ni Hontiveros kontro Japan na nagdala satin sa Finals.

Hindi ba't ang sarap maging Pilipino?

Salamat Gilas 3, taas noo kami sa inyo.

1 comment:

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0