Wednesday, March 23, 2016

Blik N U, D N Q Pgod

(Photo credit: Interaksyon.com
Mahirap maging isang Lewis Alfred Tenorio.

Andyan na yung kinukutya ka ng buong Barangay, tuwing masama ang laro mo, dahil nauna mo ng nasabi na "tao ka lang" at "pagod ka na din." Nasa hulog naman yung sinasabi mo e, ikaw kaya ang magensayo at malaro di lang para sa Barangay Ginebra kung hindi para na din sa Gilas Pilipinas ng ilang sunod na taon?

Kahit lumaklak ka pa ng lifetime supply ng Gatorade at anong promo pa ng "ganado" ang ibenta ng marketing department ninyo, sempre ang tao, napapagod.


Bakit ba kay Tenorio ang sisi pag pangit laro ng Ginebra? Bakit hindi nila ituro yung kakampi niyang ayaw pa mag retire e halos ga piso na lang ang tinatalon at di na maka bantay ng maayos? Bakit hindi nila sisihin at lagyan ng pressure yung dalawang higante nilang aanga-anga, malalambot at puros jumpshot ang hilig?

Kasi si Tenorio ang totoong kapitan ng Barangay.

Nung pumasok si Tenorio sa Ginebra mula Alaska, ang taas ng kalidad ng laro niya noon. Halos araw-araw, binubuhat niya Ginebra. Dahil kelangan. Dahil sa totoo lang, mula noon hanggang sa ngayon, iilan lang ang tunay na may diskarte maglaro sa Ginebra. Si Mark Caguioa na matanda na, si Jayjay Helterbrand na patapos na ang karera, tapos ang bagitong si Earl Thompson at siguro, kahit si Aljon Mariano na hindi pa nakakalaro dahil medyo under-sized nga kung tuusin sa natural na pwesto.
Image courtesy: HumbleBola.com (2016 March 23).
Retrieved from http://stats.humblebola.com/pba/players/52-Tenorio-LA

Si Tenorio tsaka ang mga nabanggit ko yung matatawag mong "creators." Sila yung kayang gumawa ng play, kayang umiscore, kayang pumasa. Di nila kelangan ng sasandalan gaano pag sa opensa ang pinag uusapan. May mga diskarte.

Yung "finishers," yan ang bulto ng Ginebra: Chris Ellis. Japeth Aguilar. Greg Slaughter. Sila ang ginogroom ng ilang taon na ngayon na magdadala sa Ginebra sa tagumpay. Pero sa totoong buhay, kung ipa clear out mo yung apat sa court para dumiskarte yung kahit sino man sa tatlong yan, ang kauuwian kung hindi dribbling violation, offensive foul o turnover, e jumpshot. Kasi hanggang doon pa lang yung skillset nila. Dapat yung isusubo na lang. One dribble, shoot. Ganun kumbaga. Pag pinag isip mo pa, wala kang pupuntahan.

Sa stats, career 9-10 points at 5 assists naman si Tenorio. Kahit noong nakaraang taon na sinasabing "pagod" siya. Mas maganda pa  nga laro niya non kesa nitong huli e kung base sa stats pag uusapan. Yung unang taon niya sa Ginebra, 13-6 pumapalo, halos 35 minutos din naman kasi yung nilalaro niya non.

So kahit sabihin niyong pagod, ginagawa pa din ni Tenorio trabaho niya.

Si Thompson sinasabi ng iba hinog na para palitan si Tenorio. Siguro, pwede din. Pero iba yung beterano. Iba din yung Triangle Offense. Kahit stat-padder si Thompson, hindi overnight na mamaster yung Triangle. At hanggat hindi sinasabi ni Tim Cone na may problema siya kay Tenorio, ibig sabihin non, walang problema sa kanila.

Siguro ang pinagkaiba lang ngayon andyan na si Cone, hindi na natin nakikitang namumuryot at naka kunot noo ni Tenorio. Hindi na nag papapadyak sa sahig na parang bata.

Balik na kayo Ginebra fans, di na siya pagod.

2 comments:

  1. I loved LA since his Alaska days. Pure point guard. Pure playmaker. May puso. hindi takot. I'd still pick him over JV Casio any time of day.

    ReplyDelete
  2. "Bakit hindi nila ituro yung kakampi niyang ayaw pa mag retire e halos ga piso na lang ang tinatalon at di na maka bantay ng maayos?"

    Kapag may nakita kang balon na may bumubulwak na pera, kelan ka hihinto ng pagkuha ng pera? Kapag matanda ka na? Kapag pagod ka na? Kapag may nakapila? Hihinto ka kapag wala ng pera, o kung may magpaalis sayo.

    ReplyDelete

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0