Showing posts with label #RivalsPH #SolarSportsDesk #CNNPhilippines #OFFTHEBENCH. Show all posts
Showing posts with label #RivalsPH #SolarSportsDesk #CNNPhilippines #OFFTHEBENCH. Show all posts

Monday, December 28, 2015

Salamat po!

Maraming salamat po sa lahat ng kaibigan natin na nagbabasa ng kilikilishot.blogspot.com ! Sa mga nagtiwala sa opinyon natin, hindi naman basta basta sulat lang ginagawa natin. Oo, hobby natin to, pero bago tayo magsulat, naghahanap muna tayo ng stats. Inaaral natin yung laro. Nanonood ng replays. Highlights. Nakikinig sa sinasabi ng iba, tapos mula doon, nagsusulat sa blog.

Sa Twitter, dahil 140 characters lang doon at mabilisan ang banatan, madalas marami tayong nasasabing mali. Pero tanggap ko naman pag mali. Pagnadala lang ng bugso ng damdamin din. Biased siguro minsan. O madalas, depende sa nagbabasa. Pero pag andito na sa blog, sinusubukan ko na ayusin muna lahat, isulat sa papel, research, pag isipan, bago i publish ng tuluyan.
google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0