Sa Twitter, dahil 140 characters lang doon at mabilisan ang banatan, madalas marami tayong nasasabing mali. Pero tanggap ko naman pag mali. Pagnadala lang ng bugso ng damdamin din. Biased siguro minsan. O madalas, depende sa nagbabasa. Pero pag andito na sa blog, sinusubukan ko na ayusin muna lahat, isulat sa papel, research, pag isipan, bago i publish ng tuluyan.
Salamat kay boss Josiah ng Rivals.Ph at kay Kali Quinones ng Solar Sports Desk ngayon CNN Philippines na nagbigay saten ng konting espasyo sa kani kanilang mga pages. Salamat sa napakaraming photogs na hindi ko siguro na credit ng maayos pag ginagamit ko yung pictures nila. Sinusubukan ko naman pag andon ung name, pag wala, dun sa site ko na lang kine credit.
Sa totoo lang, hindi ko alam hanggang kelan ako mag blog. Pamilyado na din ako, asa overseas pa. Siguro etong 2015 yung taon na talagang ung pag susulat naging outlet ko para maibsan yung kalungkutan. Andito pamilya ko- asawa anak ko, pero mga kaibigan, nanay ko, kotse ko, mga gamit ko, asa Pinas. So nahohomesick din tayo ng tunay.
Basta kung hanggang saan tayo abutin, maraming salamat po mula sakin, Angel Velasco, para sa inyo.
Salamat din idol! sana matalo nyo san miguel kung sakali kasi kami mag finals di namin sila kaya. HAHAHAH!
ReplyDelete