Sunday, June 2, 2013

Belga knows basketball

Enforcer ba kamo? Watch the "sipit."
Minsan lang tayo mag-Filipino sa blog na ito na alay natin sa ating mga kababayan. Hindi dahil sa galing tayong elitistang iskwelahan na hindi marunong bumigkas ng "R," kundi para maipabot natin sa ibang lahi ung galing at husay ng Pilipinas basketball.

Hindi namin lubos na maisalaysay yung kagalakan namin nung napabalitang isasama sa Gilas Pilipinas tune-up si Rain or Shine 6"6 big man Beau Belga. Matagal na namin itong kinakampanya. Marami nagsasabing barubal at marumi maglaro si Belga, madalas ung mga fangirls/gays na ang mga iniidolo kasi ang tinatamaan ng mala-Brazo de Mercedez BENZ ni Belga.

Pero lingid sa kanilang kaalaman, si Belga ay marunong maglaro ng basketball. Sabi nila, ito daw ang pinakamalaking line-up ng Gilas. Siguro nga. Pero kung sina Japeth Aguilar at Greg Slaughter lang din, aanhin mo ang height kung kulang pa sa diskarte (lalo na kung ung isa e allergic sa poste)?
google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0