Sunday, August 5, 2012

PBA GovCup Finals: Na-delay lang pero amin ito

Finals MVP: Jeff Chan 
Sa sobrang pagkaka-delay ng kampeonato para sa Rain or Shine Elastopainters, muntikan ng masilat ni 2x PBA MVP James Yap at ng BMeg Llamados. Buti na lang bumalik sila sa dati nilang porma at hindi nagpadaig sa libo-libong Llamados fans (kasama na referees) na dumagsa sa SMART Araneta Coliseum.

Matapos ng ilang taong pagkaka bwusit sa potensyal na taglay ni Gabe Norwood, sa wakas natauhan din siya at namalayang 6"5 ang height nya kumpara sa bumabantay sa kanyang si Josh Urbiztondo. May mga ilang beses na nalulusutan sya ni Urbiztondo at tinitirahan, pero agad namang bumabawi si Norwood sa opensa-- oo, sa opensa, para panatilihing angat ang Elastopainters.

Pagbukas ng 1st quarter, halata mo na agad kung sino ang mas gustong manalo. Pukpukan ang tema ng laro para sa Elastopainters mula kay import Jamelle Cornley, Jervy Cruz at maging sina Gabe Norwood at Jeffrei Chan. Malaking tulong din ung kumpyansa ni Jireh Ibanes sa opensa, napipilitan si James Yap sumunod at maghabol kaya umabot lagpas sampu ung lamang.

Pagpasok naman ng 2nd quarter, nagising na yung Llamados mula kay Yap hanggang sa import nilang si Marqus Blakely. Lahat halos na ibato ng team nila, pumapasok. Nandoon na din ung mga pito ng referees na halos puro pro-Llamados na lang. Tipong hingahan lang ng Elastopainters ung kalaban, napipituhan na agad.

Mula sa double digit lead, naging two points na lang pagpasok ng second half. Trinabaho talaga ng Llamados yung 2nd quarter para makabawi. Hindi nakatulong na inalat ung Elastopainters nung pinasok si Ronjay Buenafe at inupo ung mga starters. Sa pangalawang sunod na pagkakataon, nanliit na naman si Buenafe sa big game. Kung si James Yap si "Big Game James" si Buenafe na siguro ung "Choke Artist" kung tawagin. Tinalo pa si Lordy Tugade nung unang salta nito sa PBA e.

Nung akala na ng Llamados na kanila na yung laban, low-scoring, defense-oriented at grind-it-out, dun naman sila nawalan ng opensa. Si Blakely, sunod sunod ang pamimigay ng foul tipong akala mo mauubusan. Ayun, pagdating ng 4th quarter foul out ang loko. Yung huling 2 fouls nya, yung tipong hindi pinag iisipan-- instinct lang talaga ng isang gigil na player.

Ganun pa man, hats off talaga tayo kay Yap. Noon parang pilit yung pagiging superstar nya kahit tawagin mo pang 2x MVP. Pero sa taong ito nakita natin na nag mature yung laro niya. Naging mas aktibo sya sa opensa at depensa. Rume-rebound na din, di na takot makipag palitan ng mukha- kung ano siya noon sa University of the East, bumalik na ulit. Sa Finals, ibang klase yung inangat ng laro niya. Habang natitinag yung mga kakampi nya lalo na si Blakely at PJ Simon, maging si Marc Pingris na halos naging non-existent buong Finals, si Yap lumalaban at nakikipagsabayan.

Yun nga lang, sa huli, hindi kinaya ng predictable set offense ng Llamados yung bagyo na dulot ng Elastopainters. Sa sandaling na establish si Cornley sa ilalim at naghakot ng sankatutak na fouls, bumukas yung depensa ng Llamados at tuluyan ng hindi maka palag pa.

Ganda ng Finals kahit kulang kulang bawat koponan, sabi nga ni Coach Yeng Guiao, "swerte lang kami." Muntik na talaga silang masilat ng Llamados, kinulang lang sa huli at dun na nagkaalaman.

No comments:

Post a Comment

Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.

google.com, pub-3708877119963803, DIRECT, f08c47fec0942fa0