Ang gulo ng barangay ninyo.
Pero hindi namin kayo masisi, maraming turuan, bulungan, palakasan at anjan na din yung "ano ang nagawa mo para sakin/ samin" na pag-iisip. Ngayon, susubok na naman kayo ng bagong liderato na ang paniniwala ay magbabalik sa dating sigla ng barangay. Ilang beses na ba kayo nagpalit ng pinuno sa loob ng isang kampanya? Paanong magkakaroon ng pagbabago at progreso kung halos tatlong buwan pa lang e palit na agad ng sistema?
Mabuhay ka, bagong Ginebra head coach Frankie Lim!
Yan ang unang pabati namin sa iyo bilang respeto sa kampeonato na nadala mo sa San Beda College sa NCAA (may import man na sobrang lakas o wala). Sa isang banda, lamang ka ng tatlong kampeonato doon sa pinalitan mo. Sa pangalawang banda, alam naman ng lahat na sa lakas ng padrino mo noon, e listado na yung titulo ninyo salamat sa import.
Pero ang kampeon, ay kampeon. Hindi natin maalis at maitatanggi yon.
Kilala ka namin sa TV bilang isang mainitin ang ulo na personalidad. Sa Talk'n'Text, sa paglipat mo sa NCAA, sa pakikipag away mo sa volleyball (!) coach na naging sanhi ng pagpataw sayo ng two-year ban na hindi na lang napansin kasi nag resign ka na as coach bago pa yung season.
Pero kilala ka din namin bilang isang matinong resbak. Niresbakan mo yung koponan mo noon kaya nagkagulo. Yung import ninyo na inapi, ayon sa balita, niresbakan mo lang. Ganon naman talaga sa mga lalaki. Hindi ka nagpupuputak sa media o kahit anong kabaklaan. Away lalaki, suntukan, paniniwala mo kontra paniniwala nila. Tanggapin ang parusa, resign kahit na siguro kahit i-serve mo yung 2 year ban, pagbalik mo sa San Beda e tuloy tuloy pa din ang ligaya hanggang ngayon tapos 7-time champions na kayo. Straight.
Sa Ginebra, matitingnan natin kung tutugma yung pagka tahimik na siga ni Coach Frankie sa mga beterano nila. Kung makikinig sila o mag iinarte pag hindi nasunod o nabigyan ng playing time. May sistema na sila noon e, kay Cariaso, kaso ayaw ng iba. Hindi man Ginebra ang dating, sistema pa din.
So run and gun ang gusto ng Ginebra. Run and gun ang sistema ni Coach Frankie Lim sa pagkaka alala ko, na may isang sentro na anchor (ung import).
Siguro unang kelangan gawin ni Coach Frankie Lim e patigasin yung mga bata ng Ginebra. Ibig sabihin, bigyan ng playing time. Pahinugin. Patapangin. Paano kang tatapang kung naka bangko ka lang?
Mark Caguioa. Jayjay Helterbrand. Josh Urbiztondo. Billy Mamaril. Dorian Pena.
The old guards.
Mga beterano.
Dalawa lang yan, pwedeng maging magkaka tropa sila ni Coach Frankie, o sila yung mga magiging kaaway niya.
Sana hayaan natin ma coach ni Coach Frankie yung team kung paano niya gusto patakbuhin. Ng hindi pumapapel yung Team Governor na hindi maka let go at gusto e andoon siya sa likod ng bench, sa loob ng huddle, at nagsisingit ng instructions.
Team Governor ka na boss, hayaan mo yung coach mo. Micro-managing never worked for anyone. It just shows how insecure you are.
Ingles yun ah.
Yung mga bata, pakawalan na sana. Hayaan natin sila maglaro, matalo at manalo bilang bagong Lahi ng Ginebra.
Sana mapiga ni Coach Frankie ng husto yung team at ibalik ang dating sigla ng barangay.
No comments:
Post a Comment
Thank you for supporting kilikilishot.com all meaningful/ insightful comments are appreciated and published on this page.