May pagka Rukawa din tong Chinito ng Ginebra e no? Supladong magaling. (Photo courtesy of Sports5) |
Mapait man ang sinapit na kapalaran ng Barangay, wag sana natin ibaon na lang sa limot na bago pa lang ang sistemang ipinatutupad ng head coach na si Jeffrey Cariaso. Hindi lang bago, kundi komplikado. Hindi ito basta na lang takbo tapos tira. O kaya kasing simple ng basta libre, pasa, tira. Hinde, maraming anik anik ang kinakailangan sa Triangle Offense na kami man ay hindi pa lubos itong naiintindihan. Mga bagong manlalaro, mga bagitong superstar-in-the-making. Pero itong conference na ito, nakita din natin ang isang player na umangat ang laro ng husto.
Si Joseph Yeo, bagong Ginebra player. Swerteng napunta sa Ginebra dahil sa tinatawag na "Gentleman's Agreement." Nag iba ang laro ni Yeo mula ng nabigyan ng puwang maging main man ng Air21 nung nakaraang taon matapos mabaon sa bangko ng San Miguel Beermen (na pinasakit niya sa pagtawag dito na #LarongMayaman.
Yung lagi nating sinasabi na kelangan na ni Mark Caguioa ng kahalinhinan, ng isang matapang na batang player na dadala sa team pag injured na si idol, nakita na natin. 25 minutes per game na lang si Caguioa, hindi na babad. Yung mga mapagkunwaring shooting guard kuno, nabawasan na din ang pagpapacute sa court. Unti unting nakuha ni Yeo ang tiwala ni The Jet. Alam mo bang lamang ng ilang pursyento si Yeo kay Tenorio pagdating sa assists? At solid ang numbers na pinakita 9 ppg, 3rpg, 3apg?
Sabihin man natin na suplado ang tinaguriang The Ninja, e hindi mo naman ito makikitang nawawala ang puso at tapang sa laro. Habang dinadaga yung iba, si Yeo e naghahanap ng pagkakataong makipagpalitan ng mukha sa kanyang signature na Ninja moves. Mamaya na yung jumpshot, meron siya niyan, pero basta may puwang sa depensa, kahit malaki pa nasa loob, asahan mo na sasaksak si Yeo jan at kukuha ng foul habang nashoot pa yung tira gawa ng acrobatic na mga moves.
Hindi yung dadakdak kuno, tapos pag tinamaan, e nawala na yung bola bigla sa kamay.
Maganda ang hinaharap ng Ginebra sa backcourt-- nakahanap na sila ng taong hindi takot sumabay kay Tenorio at maging kay Caguioa. Depensa, siguro kelangan pa ng tulong pero sa opensa at tapang, hindi na sila dehado. May tira sa labas, may galaw, may tapang, may diskarte. Minsan lang mahilig mag solo, pero sa Ginebra mukhang alam niya kung kelan siya mamumuno-- PJ Simon style gaya nga ng nasabi noon ni The Jet.
Sana lang ay magtagal pa ang tambalang TenorYeo dahil dito natin nakikita ung sinasabi nilang #LahingGinebra
TenorYeo tandem plays with more balls than the twin softies of Ginebra.
ReplyDeleteLA and Yeo be like: Pagnatalo namin TNT maganda match-up namin sa SMB.
Twin Towers: TNT is too strong, we don't see any advantage against them.
Kaya natalo Ginebra, duwag ng mga sentro. Di pa nagsisimula laban takot na sila. Si Yeo at LA lang talaga lumaban at gustong manalo. Ang problema masyadong mabigat yung dalawa para buhatin nila.